Christmas Party 2011. <3
Gumising ako ng umaga para i-curl yung buhok ko. Mga 4:30 ako nagising, dahil excited na ko. Haha. Pagkatapos ko gawin lahat ng mga karapat-dapat gawin, pumunta na ko ng school. Nung pagkapasok ko sa classroom, nandun na isa kong kaklase. Eh nakita nya hindi ako nakamake-up dahil hindi ako sanay maglagay ng ganun, tapos pumunta kaming CR kaya nilagyan nya ko ng eye shadow, at mascara. Inosente ako sa mga ganyang bagay kasi, ni-kyuteks hindi ako naglalagay dahil hindi ako marunong. Tapos, hanggang sa dumami na yung tao, yung mga kaklase ko nagsidaragdagan na. May pa “piwiiiit” pa silang nalalaman e. Haha. Kanya-kanyang trip.
Then, nagstart na yung program (Christmas Party), nagOpening prayer muna kami then inistart na yung mga games. Yung mga games ay, “Putukan na”, yung magpuputok ng lobo. Kabilang ako sa mga nasali doon, sayang muntik na kaming nanalo. Haha. Tapos “TangingHinga Mo”, ang ganda ng title e. Haha. Patagalan ng hininga yan. At marami pang ibang games. Tapos nagdougie battle yung mga kaklase ko. HAHA. Then, tsibugan na! Nag-pray muna kami lahat then nagstart na na kumuha ng mga foods, ang mga food ay “Carbonara, Baked Mac, Lumpia, Puto, etc.” Tapos, bigayan na ng mga gifts. Ang niregalo sakin ng nakabunot sakin is Pillow na may nakalagay na Friends Forever at DomoKun na Pouch. (Kung friend nyo ko sa facebook, makikita nyo yung mga picture) Then, ayun sunud-sunod na yung mga nagbigay ng gifts sakin. May natanggap akong panyo, ballpen na cute, lapis na cute, angrybirds na kwintas and keychain.
Then, lumibot kami. Pumunta kaming SM Clark and Astro Park, bonding-bonding. Hehe. Habang hinihintay namin yung mga iba naming kaklase na bumuli ng mga foods na kakainin namin, Nagulat ako nung nasa likod kami ng SM sa may terrace, nagpicture-picture kami ng mga kaklase ko partner by partner, tapos pinili ng classmate ko yung magpartner. Eh, alam nila na crush ko yung kaklase ko na isa, kaya kaming dalawa yung pinagpartner nila. Tapos pinicturan kaming dalawa, tiliian sila. :)) Tapos sabi nila magtitigan kami. Edi nagtitigan kami. LOLS. Yung picture yung nasa pangalawa at pangatlong frame. Kunwari daw binibigay niya sakin un. :))
Tapos nung pumunta na kaming asto park, nilakad nalang namin dahil malapit lang naman yun. Eh nagsakto, nagspin the bottle kami, ako yung naturo, pinagDougie nila ako. Eh hindi ako marunong, pero sumayaw parin ako, ang daming tao nun. Nakakahiya pero hindi naman ako KJ, kaya ginawa ko nalang. Haha. Tapos ayun, nagkwentuhan kami ang bonding-bonding hanggang sa nagsiuwian na kami.
“Ang saya talaga ng araw na ito. Hinding-hindi ko to makakalimutan. Isa sa mga hindi makakalimutang pangyayari sa buhay ko. :)”
-
thepinkpopcorn liked this
-
littletranquility liked this
-
ohh-camille liked this
-
helennium liked this
-
wishesbecomestrue liked this
-
babaeng-bakla liked this
-
shelovespotatoes liked this
-
mahiwagangpuso liked this
-
imlikenoother liked this
-
nagiinarte liked this
-
pakialamera liked this
-
amazingchristine liked this
-
dalagangpaslit liked this
-
checheburetse liked this
-
foreveronica liked this
-
ohgiovalencia liked this
-
wan-di-rek-tion liked this
-
pinkkiddo posted this


