Happy New Year.

Just got home dito sa Mabalacat. So ayun, ngayon lang nakapagNet ulit. NagJoyRide kami noong December 31 - January 1.

Una, pumunta kami ng Pasig. Sa totoo lang, naligaw kami dahil lumagpas kami dun sa crossing papunta sa Sumilang, Pasig. Tapos, nakita ko yung mga tito, tita at mga pinsan ko. Ilang years narin kasi kaming hindi nagkikita, siguro nung mga bata pa ako nun. Tapos kwentuhan kami ng mga pinsan ko.

Then, dumiretso kami sa Bacoor, Cavite. Iniwan muna namin yung mga gamit namin sa bahay ng tita ko. Tapos dumiretso na kami sa Tagaytay. Sa may highlands. Nagsimba muna kami then pumasok na. Nakakahilo pala kapag nasa taas ka ng bundok tapos titgnan mo yung mga clouds. Haha! Bumili kami ng mga souvenir doon, picture-picture ganyan. Then, makikita mo talaga yung buong Cavite. Tapos nilabas nila yung ahas na malaki, as in. Hinawakan ko. Haha. First time ko humawak ng ganun kalaking ahas. Nakatrip yung may-ari nun, nanggugulat. Haha. Then pumunta kaming SM Bacoor para maggrocery para sa Bagong Taon. Tapos dumiretso kami sa Salon. Pinarebond ako ng tita ko at pinakulayan ng buhok ang aking magandang lola. Hehe.

Tapos dumiretso na kami sa Manaoag. Pinabendisyon yung kotse ng tito at tita ko. Tapos nagsindi narin kami ng kandila at nagdasal.

Shempre nadaanan namin yung Pampanga, Tarlac at Pangasinan, pero nadaanan lang namin.

Doon sa may Tarlac, yung Isdaan. Malaking restaurant na parang restaurant. (ano daw?!) Nagfoodtrip naman kami dun. May Sinigang na Hipon, Tawilis (yung paborito nila Basilio at Crispin. haha), Hito (isda na may balbas. haha), inihaw na Tilapia, Tahong, Bulalo, Alimango, at marami pang iba.

Tapos umuwi na kami. At dun na nagtatapos. Sa totoo lang, summary lang to, nakakatamad na magtype e. Pagod. Haha.

Maiba..

Naging inactive na talaga ako ng tuluyan. Pasilip-silip nalang ako sa tumblr ko. Onga pala, salamat sa mga nagstay pa. Alam ko nabawasan na ang mga readers. At may marami naring nag-unfollow, pero naiintindihan ko naman yun, kaya ok lang.

  1. pinkkiddo posted this