Dear…Someone,

If ever meron ngang para sakin…sana mabasa mo ito. Sumulat ako sayo dahil itatanong ko sana kung kelan ka dadating? Pero as if naman masasagot mo ito. Ni hindi nga kita kilala. Siguro dahil andami kong dahilan kaya nauudlot ang pagdating mo sakin. Tulad ng, kelangan ko magseryoso sa pag-aaral, at wala pa akong panahon para sayo, o kaya, natatakot akong masaktan, dahil nakikita ko sa ibang nagkaroon na ng boyfriend, na halos araw-araw na lamang umiiyak, kahit mayroong klase. Yung iba naman na tulad ko, masyadong istrikto ang magulang. O siguro, masyado lang talaga akong practical. Masyado pa yata akong bata para sa tinatawag nilang pag-ibig. 

Sabi nga sakin ng mama ko, dadating ka sa tamang panahon. Oo, napakilala na kita kay mama. Kahit imahinasyon ka lamang at nilalarawan kita sakanya na para bang napakaperpekto mo. Tulad nung mga lalake sa Anime, tapos yung sa mga Koreanovela. Yung mga lalake dun, parang “too good to be true”. Yun na lamang ang nagiging inspirasyon ko, at dun ko nakikita ang maaaring mangyari kapag ako naman yung umibig. 

Pero hindi rin naman ako nagmamadali. Sa ngayon, masyado pa akong “busy” para i-entertain ka. Marami pa akong ginagawa. Pero kung gusto mo nang magpakilala sakin ngayon din, wala akong problema diyan. Okay lang sakin. Malalaman mong hindi ako ganon kadaldal sa personal kesa dito sa sulat ko. Siguro matatameme lang ako.

Ewan ko ba. Ayoko mag-expect kasi baka maudlot lang ang pagdating mo sa buhay ko.

Basta, yun lang. Hihintayin kita. Ingat ka parati…kasi nasayo ang future ko. hehe. O diba, dapat inlove ka na sakin ngayon pa lang. 

O, siya. Paalam. 

See you soon. :)

Naghihintay,

NBSB

—-

Kung gusto niyo pa magbasa ng ibang sulat, punta kayo dito.

(via theskullcandiii)

  1. nakakatacuteako reblogged this from theskullcandiii
  2. maiyamm reblogged this from pinkkiddo
  3. lovingyouwasmybiggestmistake reblogged this from theskullcandiii
  4. idreaminfinity reblogged this from theskullcandiii
  5. mauipot21 reblogged this from theskullcandiii
  6. youcanwin reblogged this from theskullcandiii
  7. akosinarda reblogged this from theskullcandiii
  8. angbatangligaw reblogged this from theskullcandiii
  9. itstwinzkie reblogged this from theskullcandiii
  10. sentiakongbabae reblogged this from theskullcandiii
  11. eiffelinlovewithu reblogged this from theskullcandiii
  12. waitingformyxtar reblogged this from theskullcandiii